3 bansa na super love ni Lovi; Kyline nami-miss nang mag-taping 

Kyline-Lovi

DAHIL sa patuloy na umiiral na community quarantine bunsod ng banta ng COVID-19, miss na miss na rin ng mga artista ang magtrabaho.

Tulad ng Kapuso singer-actress na si Kyline Alcantara, looking forward na siyang bumalik sa taping ng mga programang kinabibilangan niya sa GMA 7.

Nag-break muna simula noong Marso ang taping ng GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit kaya naman aminado si Kyline na sobra na niyang nami-miss ang kanyang karakter sa serye na si Maggie.

“Ang hirap kasi gumawa ng character, ‘yung mannerisms. Kumbaga, ‘pag may nakalimutan kang isang mannerism sa character ko, hindi ‘yun magiging si Maggie.

“Sinasanay ko pa rin ‘yung sarili ko bilang Maggie every now and then kasi mabilis talaga ako makalimot ng character,” kuwento ni Kyline. 

Dagdag pa niya, nami-miss na rin niya ang iba pang cast ng serye, lalung-lalo na ang love interest ni Maggie na si Jun, na ginagampanan ni Yasser Marta.

“Noong time na natigil ‘yung Bilangin, ‘yun pa lang ‘yung time na nagiging close ako sa cast, not just with the cast but with the crew,” saad ni Kyline. 

“Nami-miss ko talaga ‘yung kulitan namin ng art dept. Nami-miss ko si Maggie, nami-miss ko ‘yung kakulitan ni Maggie, nami-miss ni Maggie si Jun. Nami-miss ni Maggie ang lahat,” chika ni Kyline.

Para sa mga nakaka-miss din sa programa, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

Sa ngayon, ang Korean drama na Strong Girl Bong Soon muna ang pansamantalang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Kilala si Lovi Poe bilang isa sa mga artistang mahilig mag-travel. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, naka-quarantine muna ang aktres at pansamantalang ipinatupad ang travel ban. 

Sa isang interview, ibinahagi ng “Owe My Love” actress ang mga paborito niyang travel destinations. 

Nangunguna rito ang New York City. Aniya, “Just being there, it feels like reliving that moment or just reminds you of all these beautiful movies. 

“Hindi siya nakaka-stress kahit sobrang busy nila tingnan, parang mas nakaka-inspire na feeling mo there is so much more to life. That’s why I like New York,” ani Lovi.

Kasama rin ang Paris sa listahan niya, “It’s such a romantic place. When you think about Paris, you think about love.” 

Bukod dito,  nasa mga go-to destinations din niya ang Japan dahil sa lapit nito sa Pilipinas, “All you have to do is get on the plane and bumiyahe ka ng limang oras. By the way, yung mga tao doon, sobrang respectful nila. Pag dumaan ka, talagang babati, maghe-hello at magba-bow or nod kayo sa isa’t isa.”

 

Read more...