
SUGATAN ang 22-anyos na lalaki sa isang sunog sa Quezon City kanina.
Nagtamo ng sugat sa kanang paa ang biktimang si Alhamdin Mundi.
Alas-3:04 ng hapon ng magsimula ang sunog sa bahay ni Asnar Czabsaram sa Libyan st., Salam Cmpd., Brgy. Culiat.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay at inaalam pa ang pinagmulan ng apoy.
Naapula ang sunog alas-3:48 ng hapon at napigilan na kumalat ito sa mga katabing bahay.
Tinatayang P36,000 ang pinsala ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES