Robi hindi pinayagang maging frontliners ang mga magulang

PAREHONG doktor ang parents ng TV host na si Robi Domingo pero hindi na niya pinayagan ang mga ito na maging frontliners.

Inamin ni Robi na desisyon na ng kanilang pamilya na huwag nang payagang manggamot ang mga magulang dahil pareho na silang senior citizens.

Ibinalita rin ng binata na dalawa sa mga tiyahin niya sa Amerika ay mga nurse naman na na-diagnose kamakailan ng COVID-19 na nakuha nila mula sa pinaglilinglurang medical facility.

Nagkuwento si Robi tungkol dito sa pamanagita ng  #KapamilyaFBLiveTakeOver sa ABS-CBN’s official Facebook page kasabay ng pag-aalay ng dasal sa lahat ng health workers sa buong mundo na walang tigil sa pagsagip sa mga COVID patients.

Partikular na tinukoy ni Robi ang mga frontliners sa UK matapos bumati sa kanya ang isang netizen na tagaroon.

“I’ve been reading and watching the news lately. Isa sa mga pinakatinamaang countries din (UK). And most of the health workers there are Asians and Filipinos, actually. So I pray for all the families that have been affected by this virus,” aniya.

“‘Yung puso ko talaga malapit sa mga medical practitioners primarily because you know, my parents are both doctors. 

“They’re here. They’re both here. They’re senior citizens kaya hindi na namin pinayagan. ‘Yung risk nandu’n na.

“But both of my titas before got the virus. They’re okay now. It became personal to us, ‘yung situation. Kasi my tita is in Florida and who is a nurse got the virus and nahawa ‘yung isang tita ko. Nakakapraning talaga siya.

“I can just imagine the people and the families affected by it. I am with you. I am one with you,” pahayag ng Kapamilya TV host.

Sa nasabing live chat, tumugtog din ng song covers sa piano ang binata para sa fundraising campaign ng ABS-CBN through “Facebook Stars”, ang bagong feature sa FB kung saan ang maiipong“stars” ay maaaring i-convert sa cash.

Read more...