ABS-CBN urgent concern na ng Kamara

NAGING isang urgent concern ng Kamara de Representantes ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN 2 matapos hindi tumupad ang National Telecommunications Commissions sa pangako nito na papayagang magpatuloy ang operasyon ng istasyon.

Ayon kay House committee on public accounts at AnaKalusugan Rep. Mike Defensor ang linaw ng usapan ng Kamara at NTC noong Marso na papayagan na magpatuloy ang ABS-CBN.

“Now that you have people unemployed, nawala ang isang avenue mo for information it has become an urgent concern.”

Sa Lunes ay mag-uusap-usap ang liderato ng Kamara upang balangkasin ang gagawing hakbang ng Mababang Kapulungan.

Pangunahing concern umano ng Kamara ang mga empleyado na nawalan ng trabaho.

“Biglang nawalan ng trabaho yung mga tao, pagkatapos biglang nawalan ng isang pagtulong o isang sitwasyon na yung impormasyon ng gobyerno sa gitna ng pandemya sa gitna ng COVID eh nandyan, so yes now it has become an urgent concern,” ani Defensor sa isang virtual press conference.

Kung tumupad lamang umano ang NTC sa salita nito ay nakatutok sana ang Kongreso sa problemang hatid ng COVID-19.

“Kung pinayagan lamang ang ABS-CBN na magkaroon ng operasyon under a provisional authority pwede naman na tapusin natin ng husto itong COVID pagkatapos mag-hearing ulit (sa ABS-CBN) dahil importante rin naman sa ilalim ng pag-uusap sa renewal ng prangkisa ay marinig ng taumbayan.”

Read more...