Tekla nagsisi ngayong may ECQ; Boobay napagalitan sa suot na face mask

BOOBAY AT SUPER TEKLA

MAY isang bagay na natutunan at pinagsisisihan ang Kapuso comic duo na sina Super Tekla at Boobay sa patuloy na pagpapatupad ng lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

Halos dalawang buwan nang naka-enhanced community quarantine ang buong Luzon at aminado ang dalawang hosts ng The Booby And Tekla Show na napakarami nilang realizations sa buhay.

Isa na nga riyan ang kahalagahan ng pag-iipon para kung may mga ganitong pangyayari na hindi inaasahan ay nakahanda kang harapin.

“Very important pala talaga ‘yung mayroon kang itinatabi para sa mga ganitong pagkakataon,” pahayag ni Boobay sa panayam ng GMA 7.

At tulad ni Boobay, may pagsisisi rin sa panig ni Tekla dahil hindi siya masyadong handa sa ganitong klase ng krisis.

“Kung ano ‘yung naipundar natin nu’ng mahabang panahon, sa ganito lang na ka-abrupt na buwan, parang doon ko na-realize ‘yung dapat mag-ipon pala.

“May mga sisi rin ako sa sarili ko na bakit ako gumastos nu’ng mga nakaraan na hindi ko inisip ang mangyayari. ‘Yun ang pinakamalaking lesson,” pahayag ng Kapuso comedian-TV host.

Samantala, nagbahagi naman ng payo si Boobay tungkol sa tamang paggamit ng face mask lalo na kapag lumalabas para mamili ng supplies.

“Dapat mayroon kang mask. Pero advice lang sa mga Kapuso, ‘wag n’yong ulit-ulitin every day ‘yung mask kagaya ng ginagawa ko kasi napagalitan ako one time,” chika ng host ng TBATS.

Sa tanong kung ano ang plano niyang gawin pagkatapos ng ECQ, sagot ni Boobay, “Ako ang plano kong gawin talaga umuwi ng probinsiya sa Zambales, sa family ko.” 

Pinag-iisipan din nina Tekla at Boobay kung paano nila pasasalamatan ang mga frontliners. “I don’t know kung anong way na puwede kong pasalamatan ‘yung mga magigiting natin na mga frontliners,” ani Boobay.

Read more...