SUGATAN ang dalawang rider, kabilang ang pulis, sa banggaan ng mga motorsiklo sa Quezon City ngayong umaga.
Ayon sa Quezon City Police District Traffic Sector 5, naganap ang insidente sa Commonwealth Ave., patungo sa direksyon ng Philcoa.
Binaybay ng dalawang motorsiklo ang highway nang huminto sa u-turn slot malapit sa Tandang Sora Ave. ang isa sa mga rider dahil may iniwasang nagbibisikleta kaya nasalpok siya ng motor na minananeho ng pulis.
Sa tindi ng salpukan ay tumilapon nang ilang metro ang dalawang rider.
Agad namang naisugod sa ospital ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.