Paghahanda sa mga darating na pandemic kailangan

Kamara

INIHAIN sa Kamara de Representantes ang panukala upang maging handa ang bansa sa mga pandemic gaya ng coronavirus disease 2019.

Ayon kay Quezon City Rep. Precious Castelo kailangan na maging handa ang bansa at hindi kailangan pang maghanda kapag naririto na ang problema.

“A wait-and-see strategy will never be enough when human lives are at risk. Whenever there is an imminent threat to society, it is necessary that the threat is dealt with appropriately at the outset,” ani Castelo na naghain ng House Bill 6650 (Pandemic Preparedness Act of 2020).

Sinabi ni Castelo na makabubuti kung ang ating bansa ay proactive at hindi reactive.

“This bill aims to strengthen national response and preparedness in the event of public health emergencies such as the occurrence of pandemics and outbreaks. Proactive instead of reactive measures must be put in place when public health is at stake. It is essential to prepare now to prevent a repeat of this Covid-19 disaster in the future,” saad ng lady solon.

Sa ilalim ng panukala ni Castelo pagagandahin ang public health emergency response, emergency medical services, research, data collection, treatment protocols and policies.

Magtatayo rin ng dagdag na specialty hospitals na may kakayanan na gumamot ng infectious at communicable diseases.

Dapat din umanong maging systematic ang mobilization ng healthcare at security personnel upang agad na makontrol ang sakit.

Kailangan din umanong magkaroon ng malinaw na guidelines sa mga panahon na kailangan ang isolation at quarantine measures.

Mahalaga rin umano ang regular na evaluation at assessment ng national at local preparedness at kakayanan na tumugon sa panahon ng public health emergencies.

Read more...