NIYANIG ng magnitude 3.0 lindol ang Sultan Kudarat kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-12:32 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 14 kilometro sa silangan ng Palimbang. May lalim itong tatlong kilometro.
Naramdaman ang Intensity I paggalaw sa Kiamba, Sarangani.
Niyanig naman ang Davao Occidental ng magnitude 4.0 lindol alas-8:18 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 431 kilometro sa Sarangani at may lalim na 33 kilometro. Hindi ito naramdaman sa lupa.
MOST READ
LATEST STORIES