“New normal” sa mga tanggapan inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang interim guidelines na isinumite ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng pagbabalik ng mga empleyado sa kani-kanilang trabaho sakaling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ) at ipatupad ang general community quarantine (GCC).

“Ito po iyong new normal, kung anong mangyayari doon sa mga lugar na pinagtatrabahuhan natin. Kinakailangan po magkaroon ng alternative work arrangements – iyong working hour shifts, iyong work-from-home kung pupuwede po at saka iyong pagtatrabaho on a rotation basis,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakatakdang magtapos ang ECQ sa Metro Manila, Region 3, Calabarzon area at iba pang lugar sa Mayo 15.

 

“Kinakailangan po nagsusuot po ng face masks, ang mga meeting po ay kinakailangan mayroong minimum number of participants para masiguro po ang social distancing, at kung pupwede, ang mga pagpupulong ay gawin na lang via video conferencing,” ayon pa kay Roque

“Iyong mga tables po natin sa ating mga pinagtatrabahuhan eh ayusin po natin sa pamamaraan na magkakaroon ng physical distancing at kung pupuwede magkaroon po ng barriers in between tables,” paliwanag pa ni Roque.

Idinagdag ni Roque na kabilang sa mga dapat upatupad ng mga kompanya sa ilalim ng ‘new normal’ ang mga sumusunod:

 

 

 

Read more...