Coco sa mga anti-ABS-CBN: Try n’yo manood ng Probinsyano sisipain ko mukha n’yo!

By Ervin Santiago May 07,2020
share this

Coco sa mga anti-ABS-CBN: Try n’yo manood ng Probinsyano sisipain ko mukha n’yo!

By Ervin Santiago May 07,2020 - 04:30 PM

“MAASAR-TALO!” Yan ang bagong mantra ngayon ni Coco Martin.

Tuluy-tuloy ang pagtatanggol ng award-winning actor sa ABS-CBN matapos itong ipasara base sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission.

Kung noon ay dedma lang ang bida sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano sa mga bashers, ngayon ay patol kung patol na siya at mukhang hindi nga niya tatantanan ang mga taong nambabagsak sa kanyang mother network.

Aniya, masarap daw pala yung feeling na pumapatol sa mga negatron sa social media.

 

Sa isang post ni Coco sa Instagram, makikita ang isang artcard na naglalaman ng mga paraan kung paano ang tamang pagpatol sa mga bashers at trolls. 

Nilagyan ito ni Coco ng caption na: 

“NGAYON KO LANG NARAMDAMAN ANG SARAP PALA SA PAKIRAMDAM YUNG NALALABAS MO YUNG MGA NASA SA LOOB MO YUNG WALA KANG KINATATAKUTAN AT PINANGINGILAGAN.

“KAYA PALA MASAYANG MASAYA YUNG MGA BASHERS AT TROLLS SA GINAGAWA NILA E! 

“KC TAYONG MGA ARTISTA WALANG MAGAWA KAPAG NILAIT NILA KAPAG KINUTYA NILA DI TAYO MAKAPALAG, NGAYON WALA NA TAYONG TRABAHO PANTAY PANTAY NA TAYO PWEDE NA TAYO LUMABAN WALA NA TAYO DAPAT KATAKUTAN!!! 

“SILA GUSTONG GUSTO NILA BASAHIN KUNG ANO ANG MGA POST NATIN NGAYON ANG PAGKAKATAON PARA MAKAGANTI TAYO AWAYIN NATIN SILA AT WAG BASAHIN ANG MGA COMMENTS NILA HAYAAN NATIN SILA MAG COMMENTS PARA MAG MUKA SILANG TANGA!!! 

“SA LAHAT NG MGA BASHERS NAMIN LIBRE LAIT WALANG MAG BABASA!!!”

Samantala, sa isa pa niyang IG post, mapapanood sa video ang isang batang nag-iiyak nang wala na siyang mapanood sa ABS-CBN.

“Tama na wag kana umiyak babalik kami sadyang may mga Demonyo lang talaga na tao ngayon na gusto tanggalan ng kaligayanhan ang mga tao at ng hanap buhay na pinagkukunan ng kanilang kakainin sa araw araw!

“Pag balik namin pag sasapakin ko lahat ng tuwang tuwa ngayon na sarado na ang ABS CBN!!! 

“Baka pag balik namin sasabihin ng mga Bushers namin miss na miss nyo kami at makikipila kayo sa showtime para manood ng live at sumali sa contest. Try nyo manood ng Probinsyano sisipain ko muka nyo!!! 

“WAG KANA MAG COMMENT DAHIL DIKO BABASAHIN MAG SASAYANG KALANG NG PISO PANG YUSI MUNA YAN!!!” caption ni Coco sa nasabing post.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending