ABS-CBN humirit ng TRO sa SC

NAGHAIN ng petisyon sa Korte Suprema ang ABS-CBN kanina.

Hiniling ng ABS-CBN sa Supreme Court na magpalabas ito ng temporary restraining order laban sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission na nagpahinto sa kanilang operasyon.

Ayon sa istasyon nagkaroon ng grave abuse of discretion nang magpalabas ito ng CDO sa halip na hayaan ang Kongreso na magdesisyon kung dapat na i-renew ang prangkisa nito o hindi.

Sinabi rin sa petisyon na nalabag din ang karapatan nito sa due process ng ora-oradang nagpalabas ang NTC ng CDO ng wala man lamang ipinalalabas na notice o nagsasagawa ng pagdinig.

Read more...