WALA nang mahihiling pa para sa kanyang 23rd birthday ang Kapamilya youngstar na si Maymay Entrata.
Isang simpleng birthday celebration lang sa kanilang bahay ang naganap sa kaarawan ni Maymay kahapon kasama ang kanyang pamilya.
At kahit naka-lockdown pa rin ang Luzon, nagawa pa rin siyang batiin ng kanyang mga kaibigan in and out of showbiz with matching gifts.
Bukod sa online greetings, nakatanggap din ang dalaga ng mga bouquets with her favorite sunflowers at sandamakmak cake.
Ani Maymay, kahit walang bonggang selebrasyon naging makabuluhan at masaya pa rin ang selebrasyon ng kanyang 23rd birthday.
Sa kanyang social media account, ibinahagi ng dalaga ang kanyang birthday message para sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“Sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil ang hinihiling ko lang naman ay kung ano yung sapat lang.
“Pero ang binibigay nya ay sobra at yun ay isang kayamanan, kayamanang hindi nabibili at di napapalitan ng kahit ano at ito ang pagmamahal nyo sakin.
“Sa mahal kong Pamilya, kaibigan, at sumusuporta sa akin isang napakalaking biyaya po na sinamahan nyo ko sa mala fairytale na buhay kong ito na habang buhay kong dadalhin hanggang sa pag tanda ko.
“Buong puso na nag papasalamat po ako at mahal ko po kayong lahat,” mensahe pa ni Maymay.
Kahapon, pinakilig naman ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber ang MayWard fans dahil sa kanyang sweet birthday message para kay Maymay.
Nag-post pa ang binata sa IG ng picture ni Maymay na may caption na, “Through all the chaos in the world, through all the joy and pain, all the storms brewing in our lives, you are a bright star of hope.
“I know things didn’t go how you planned this time. But I know that won’t stop you from smiling. Your heart is full of God’s love, and he’s blessed you so you can be a blessing. And that’s what you are.
“God bless you always. Don’t forget that I have your back, HAPPY BIRTHDAY MAY, and don’t forget that you are #GodsForeverPrincess.”