ARESTADO ang isang Chinese national na nagbebenta umano ng overpriced na alkohol, facemask at iba pang medical supplies sa Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Robin Merenda Siwa, 32, ng Gen. Pio Valenzuela st., Brgy. 78.
Nakabili umano ng dalawang galon ng alkohol ang isang poseur buyer sa suspek sa halagang P2,000 alas-2:30 ng hapon noong Martes.
Nang salakayin ng Station Investigation and Detective Management Division ng Caloocan City Police ang kanyang bahay ay nakita nila ang tinatayang P4 milyong halaga ng alkohol at medical supplies.
Wala umanong business permit ang suspek batay sa rekord ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) Caloocan.
Bukod sa kasong paglabag sa R.A. 7581 (Hoarding and Profiteering) mahaharap dn ito sa paglabag sa Art. 151 ng Revised Penal Code (Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person) at ordinansa na nagbabawal sa pag-inom sa pampublikong lugar.