ANDI EIGENMANN baliw na baliw kay JAKE EJERCITO; ayaw dyowain si MATTEO GUIDICELLI


Halatang-halata na si Andi Eigenmann ang baliw na baliw kay Jake Ejercito. Sa interview niya last Sunday sa The Buzz, kitang-kita na ang aktres ang parang naghahabol sa anak nina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez.

Idinenay ni Andi na boyfriend na niya uli si Jake, pero kung babasahin mo ang kanyang facial expression habang nagsasalita tungkol sa binata, ramdam na ramdam mo ang pagmamahal niya sa dating dyowa.

Pero sey ni Andi, “better than ever” ang relasyon nila ngayon ni Jake, at ayaw na niya itong lagyan ng label. “Ever since the beginning naman po hindi ko alam kung ano po talaga ang dapat sabihin.

Ang pinag-uusapan lang po namin is when we are ready and pagtama na po ang oras at tsaka siguro po magkakaroon ng label. Pero at this moment, sa tingin ko mga bata pa naman din po kami and may mga sarili ng bagay po kami na gustong pag-focus-an  like siya nag-aaral pa siya, ako po I’m focusing on my career and Ellie, (her daughter)” kuwento  ni Andi.

Inamin din ni Andi na kahit hindi pa sila nagkakabalikan ni Jake, nakakaramdam pa rin siya ng selos, “Opo. Bakit hindi? I’m the jealous type and Jake also he’s e jealous type so madali lang po para sa amin na maging honest sa isa’t isa.”

Sa tanong naman tungkol sa kanila ni Matteo Guidicelli, ang ka-loveteam niya sa bagong serye ng ABS-CBN na Galema, wala raw dapat ikabahala si Jake na baka ma-develop sila sa isa’t isa.

“Matteo and I are awesome. We’ve been friends even before Agua Bendita and in this industry I think isa si Matteo sa mga taong that kahit na hindi kami magkatrabaho eh kaibigan ko pa rin.

For some reason kasi kahit na pareho kaming single ni Matteo, di niya raw ako type, oh sige, di ko rin siya type,” natatawang chika pa ng dalagang ina.

( Photo credit to Google )

Read more...