Paglabag sa pagkuha ng basura pinaiimbestigahan

Garbage collection

PINAIIMBESTIGAHAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga paglabag umano ng mga kumukuha ng basura.

Ayon kay Belmonte dapat parusahan ng Task Force on Solid Waste Management (TFSWM) ang mga solid waste management service providers na lumalabag sa mga panuntunan ng siyudad.

Kabilang sa natanggap na reklamo ni Belmonte ang paggamit ng mga karag-karag na trak at paghingi ng solicitation ng mga waste collection crew.

Nanawagan si Belmonte sa mga taga-lungsod na i-report ang mga nakikita nitong paglabag sa lokal na pamahalaan.

Read more...