HABANG ibinabalita ang pagsasara ng ABS-CBN ay walang tigil ang pagluha ni Angel Locsin.
Nakita ng fiancé niyang si Neil Arce ang kanyang pag-iyak habang pinapanood ang TV Patrol. Kinunan niya si Angel habang nakatutok sa cellphone at nakahiga sa kama.
Ipinost niya sa Instagram ang photo ng aktres at nilagyan ng caption na,
“Breaks my heart seeing her like this. Angel didn’t renew her contract, so technically she did not lose her job. She’s been crying non-stop since she saw The News online because she knows 11,000 people lost their jobs.
“We’ve been under ECQ for 2 months now trying to save lives. Wala pang 10,000 ang may COVID dito pero ngayon 11,000 na tao ang mawawalan ng trabaho at milyong milyon na Pilipino ang hindi makakatanggap ng quick Information and konting kaligayahan sa mga panahon na ito.
“NTC you are evil. How dare you take away 11,000 jobs. We Will remember this.”
Hindi lang ang 11,000 employees ng ABS-CBN ang nag-iyakan sa pagsasara ng ABS-CBN nitong Martes ng gabi kundi ang lahat ng mga artista, talent at ang televiewers.
Lahat ng TFC subscribers ay nakatutok din sa TV Patrol nitong Martes at sabay-sabay silang nagsabing “napolitika” ang ABS-CBN. Siyempre wala kami sa posisyong sumagot kaya panay ang forward namin sa kanila ang lahat ng link na magpapatunay na walang nilabag ang TV network.
Ayon sa senior citizen na taga-Chicago, “Di ba nila alam na ang ABS CBN ang nagpapasaya sa aming mga nasa ibang bansa sa mga palabas nila nawawala ang lungkot namin. Alam kong babalik ang ABS CBN!”
Halos iisa ang punto ng mga kababayan nating nasa ibang bansa, sumasaya sila sa napapanood nilang mga programa ng Kapamilya network.
* * *
Ang AsterisK talent na si Christine Lim ay isa sa mga aligagang tumutulong sa frontliners at mga kababayan nating apektado ng COVID-19. At personal niyang ipon ang ginagamit niya.
Nakita ni Christine ang hirap ng mga kababayan niya sa Tarlac na nasasakupan ng amang mayor na si Reynaldo Catacuan. At dahil likas ring malapit sa tao ang dalaga kaya sumabay siya sa pagbibigay ng ayuda.
Kulang ang sariling ipon para sa pagtulong kaya sa kanyang digital platform ay itinatag niya ang Lingap-BAYANi para sa frontliners and healthworkers sa Tarlac.
Nitong April 13 ay nakalikom siya ng mahigit P200,000 at kasama ang sariling ipon nakapagbigay sila ng food packs, PPEs, isolation gowns, N95, surgical masks, alcohol, shoe covers, hazmat suits, safety goggles at surgical gloves.
At dahil alam ni Christine na mahaba pa ang lalakbayin kaya bukod sa Lingap Bayan ay nagtatag din siya ng Lingap Batang Capaseños para naman sa mga batang kailangan ng gatas, diapers at iba pa.
“I really admire my Papa, especially in dedicating his life to serve the Capaseños. I learned a lot from him, from having compassion, having intelligent discernment,
sacrificing for the betterment of everyone, up to being fair, and many more. But on top of the list, what I love about my Papa’s leadership, is he puts his heart for the service towards his fellowmen,” aniya.
Samantala, sa kanyang 15th birthday ay walang party na naganap, sa halip nagpakain siya ng mga Aeta families sa Sitio Tarukan sa bayan nila.
Anyway, hoping si Christine na pagkatapos ng enhanced community quarantine ay matuloy na ang taping nila para sa TV series ng TV5 na “My Extra Ordinary” kasama sina Enzo Santiago, Darwin Yu, Kamille Filoteo, Karissa Toliongco, EJ Coronel at Sam Cafranca. Ang “My Extra Ordinary” ay mula sa AsterisK Digital Entertainment.