INUTUSAN ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang 46 opisyal ng barangay na ipaliwanag ang umano’y anomalya sa pamimigay ng relief goods at financial assistance sa pamilyang apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).
“The Manila City government has issued show cause orders against barangay officials over alleged irregularities in the distribution of relief assistance and allowances amid the COVID-19 crisis,” ayon sa kalatas mula sa Manila Public Information Office.
Sakaling hindi makapagpaliwanag Ang mga opisyal sa loob ng 72 oras, sasampahan sila ng mga kasong paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at mga ordinansa, ani Manila Barangay Bureau director Romeo Bagay.
Sinabi ng Manila City government na nakatanggap sila ng maraming reklamo ukol sa ginawang pagpapalagda ng mga opisyal ng barangay sa acknowledgment receipts para sa P1,000 cash aid sa ilalim ng Manila City Amelioration Crisis Assistance Fund pero wala namang ibibigay sa mga benepisyaryo.
“Some senior citizens also complained that they did not also receive the milk food supplement assistance from the city government,” dagdag nito. “Some barangay officials were also accused of unfair distribution of relief goods, abuse in the issuance of quarantine passes, and pilferage of the contents of food packs.”