Aiko pinuri ang GMA pagbabalita ng ABS-CBN shutdown; NTC binanatan

AIKO MELENDEZ

PINURI ng award-winning actress na si Aiko Melendez ang patas at walang kinikilingang pagbabalita ng GMA 7 sa pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN kagabi.

Isa si Aiko sa matatapang na Kapuso stars na agad nagpahayag ng pagsuporta sa Kapamilya Network at pagbanat sa National Telecommunications Commission na naglabas ng cease and desist order laban sa ABS.

Napapanood si Aiko sa Kapuso afternoon series na Prima Donnas bago ito nahinto sa ere dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 crisis. Pero marami na ring nagawang proyekto ang aktres sa ABS bago lumipat sa GMA.

Sabi ni Aiko, “I AM A KAPUSO BUT I AM IN SOLIDARITY WITH KAPAMILYA NETWORK! WE ARE ONE TELEVISION COMMUNITY SERVING THE FILIPINO PEOPLE.”

“Ang network war is just to spice up the competition, but the truth to the matter i was speaking to one of my bosses in GMA and she said naawa sya sa mga kaibigan nya na mawawalan ng work.

“GMA has never taken this step to take advantage and media mileage instead, they gave a fair share of sympathy and empathy to the people who just lost their jobs.”

Isa nga sa mga patunay dito ay ang patas na pagre-report ng 24 Oras sa issue, “Ang @gmanetwork kanina ay nagpakita ng fair comments sa issue sa shutdown ng ABS. Sa 24 oras di sila naging bias sa issue. 

“Ang mundo na ginagalawan namen ay napaka liit lamang.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Again I am blessed to be part of GMA but please allow me also to feel pain because Abs gave me the opportunity to work for them for a long time.

“Am sending my Love and Prayers to my Kapamilya friends [praying emoji] God bless you all.”

Ito naman ang banat niya sa NTC, “Napaka mali ng timing ng closure kung kelan me pandemic crisis tayo kailangan naten ng mga mas karagdagang impormasyon.

“Naawa ako sa mga mawawalan ng trabaho. 11k workers ang mawawalan ng trabaho.”

Sabi pa niya sa isang post, “Ang dami din di sinunod ng NTC sa sinabi nila during the hearing sabi magbibigay ng temporary permit to operate.

“Sana man lang binigyan man lang ng oras ang Abs Cbn makapaghanda man lang. Eto immediate and effective dapat ngayon.

“Under oath din nung nag commit kayo na mabibigyan ng operation permit ang abs. So ano na ba ang nangyayari? Asan na ang karapatan ng malayang pamamahayag?

“Mga katanungan na tumatakbo sa utak ko. Sana ang NTC di nangako para wala din umasa.

“At sana din nagawan ng Kongreso ang pwede nilang gawin. Nagiging objective lang ako maswerte ako asa gma ako pero gaya ng network na pinagtratrabuhan ko sila ay nakikiisa dn at nalulungkot sa pangyayaring ito,” sey pa ni Aiko.

Read more...