Angel, Kathryn, Karen, Gary, Bianca umapela sa pagpapasara sa ABS-CBN 

ILANG sandali lang matapos ipag-utos ng National Telecommunications Commission ang pagpapatigil sa operasyon sa ABS-CBN na itigil na ang operasyon nito, sunud-sunod na ang pagpo-post ng Kapamilya stars sa social media ng kanilang pagprotesta.

Kasabay nito, nanguna rin ang hashtag na #NoToABSCBNShutDown sa listahan ng top trending topics sa Twitter matapos maglabas ng kanilang mga reaksyon ang netizens sa cease and desist order ng NTC laban sa ABS-CBN.

Narito ang mensahe ng ilang celebrities sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Kapamilya Network.

“Para sa kapwa. Sa panahon na kailangan ng hanap buhay ng mga tao. Let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin lalo na sa panahong ito.

To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo. Para sa #MalayangPamamahayag

#NoToABSCBNShutdown,” post ni Angel Locsin sa Instagram.

“Isang mahigpit na yakap sa lahat ng kapamilya natin!” pahayag naman ni Kathryn Bernardo.

Tweet ni Karen Davila, “Sa dami ng problema ng Pilipinas… sa dami ng nagkakasakit at namamatay sa Covid… sa laki ng problema ngayon sa ekonomiya..sa dami ng nawalan ng trabaho dahil sa covid.

“Talagang pagpapatigil ng ABSCBN ang inatupag nila. Hindi ko maintindihan kung nasaan ang mga puso nito.”

Ito naman ang pahayag ni Bianca Gonzalez, “Didn’t Congress already allow operations to continue while the renewal was being reviewed….? And didn’t Senate look into the case via a hearing and found everything in order.”

Sabi naman ni Sharon Cuneta, “Iniisip at inaalala naming artists ng aming tahanan, ang ABS-CBN, ang ilampung-libong empleyadong lumaki nang kasama ko, at ang mga batang bagong empleyado pa lamang ng aming istasyon…You are all in my heart and prayers. We love our HOME. And some people have made us HOMELESS now…May God bless us all.”

“On or off the air…in front or behind the camera…with or without a microphone…our hearts, although broken at this time, will always stand as one in the service of the Filipino…worldwide,” hugot naman ni Gary Valenciano.

“The closure of ABS-CBN operations isn’t just about losing your favorite TV shows. This is about Duterte’s govt going back on its word, and the muzzling of a free press,” reaksyon naman ni Leah Navarro.

Read more...