EKSAKTONG 7:52 ng Martes ng gabi nang mag-sign off ang ABS-CBN bilang pagsunod sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission dahil sa pag-expire ng prangkisa nito.
Dalamhati ang naramdaman ng karamihan at bumuhos ang lungkot sa social media.
In one post, inalala ni John Prats ang ilang palabas na tumatak sa mga Pilipino.
“Mamimiss ko kayo, kapamilya!” sabi niya.
NOOOOOO @ABSCBNNews
— Liza Soberano (@lizasoberano) May 5, 2020
Lord God i believe in you and your power. Alam ko pong nakikita nyo ang lahat. Kayo na po ang bahala sa amin at sa kanila. pic.twitter.com/elhvgIbUWK
— jose marie viceral (@vicegandako) May 5, 2020
Shock at parang hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa nangyari.
Ang suryal.
— Glaiza de Castro (@glaizaredux) May 5, 2020
Ganun din ang sentimyento ni Lovi Poe.
I can’t.
— Lovi Poe (@LoviPoe) May 5, 2020
Nag-tweet naman si Maine Mendoza ng mga heart sa kulay ng ABS-CBN.
♥️💚💙
— Maine Mendoza (@mainedcm) May 5, 2020
Sey ng official Instagram ni Coco Martin, masakit daw ang kanilang ginawa para sa mga Pilipino.
Sa video na pinost ni Kuya Kim, pinakita niya ang news room ng ABS-CBN habang tinutugtog ang Pambansang Bayani.
Ayon kay Ces Drilon, hindi man lang ma-comfort ng mga nasa newsroom ang isa’t-isa sa lungkot na nadarama dahil sa social distancing guidelines dulot ng ECQ.
We just signed off. And people in our newsroom couldn’t even hug each other.
— Ces Oreña-Drilon (@cesdrilon) May 5, 2020
The newsroom. Seconds after ABS-CBN went off air.
Can’t imagine being anywhere else but with family. pic.twitter.com/E8z9yJVxeK
— Jeff Canoy (@jeffcanoy) May 5, 2020
“Kulang pa ba ang nagugutom dahil sa Covid at kailangan nyo pang dagdagan” ang tweet naman ni Senator Nancy Binay.
Kulang pa ba ang nagugutom dahil sa Covid at kailangan nyo pang dagdagan 😒
— Senator Nancy Binay (@SenatorBinay) May 5, 2020