8 barangay officials nag-inuman kahit may quarantine, liquor ban , arestado

ARESTADO ang chairman ng Brgy. Dulag sa Lingayen, Pangasinan, apat na kagawad at tatlong tanod na naaktuhang nag-iinuman sa harap ng barangay hall kahapon sa gitna ng 24-oras na quarantine.

Sasampahan ng kaso si brgy. chairman Benjie Marac at kanyang mga kasama sa paglabag sa quarantine at sa liquor ban.

Nagtungo sa barangay ang mga pulis makaraang iulat na may nagpaputok ng baril.

Kinumpiska ang mga baril na nakapangalan kay Mararac, ani

Maj. Edgar Allan Serquiña, acting Lingayen police chief.

“Never will the local government of Lingayen tolerate anyone, much more our colleagues in public service, who runs counter to our laws under my watch,” sabi naman ni Mayor Leopoldo Bataoil.

“Let the arrest of these officials serve as a stern warning to all municipal and barangay officials and employees, and all other frontliners, that no one is, and shall be, above the law, even during this time of national health emergency,” dagdag niya.

Read more...