Quarantine checkpoint sinalpok, Intsik arestado

Arrested

PATUNG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang Chinese national matapos nitong salpukin ng kotse ang isang quarantine checkpoint sa Rosario, Cavite, at pagsisigawan pa ang mga barangay official na nandoon, Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek bilang si Shaokuan Cai, 35, residente ng Binondo, Manila, at nagtatrabaho bilang assistant manager sa isang shopping center sa Cavite, ayon sa ulat ng provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-11:50, sa bahagi ng Tramo Road na nasa hangganan ng Brgys. Tejeros Convention at Brgy. Silangan I.

Nagmamaneho noon si Cai ng isang Toyota Innova (ZHZ-509) at pinaniniwalaang lasing.

Sinalpok ng banyaga ang harang ng checkpoint at kinumpronta pa ang mga tanod, na kanyang sinabihan ng “Sino sa atin ang lasing? Sanay ako makulong!,” ayon sa pulisya.

Dahil dito’y inaresto ng mga tanod si Cai at dinala sa istasyon para sa pagsasampa ng ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property, disobedience and resistance to persons in authority kaugnay ng Public Health Concern Law, at paglabag sa Anti- Drunk Driving Law.

 

Read more...