Mga guro Hunyo pa lang may pasok na

SA Agosto pa lang ang pasukan pero Hunyo 1 pa lamang ay kailangan nang pumasok ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones ang mga guro ay sasailalim sa pagsasanay para sa alternative learning options.

“Ang ating mga teachers ay June 1 pa lang to 30 kasi enrolment period na ito, mag-render na sila ng service whether physically or virtually,” ani Briones.

“They will undergo capacity building sa mga bagong lessons. Meron tayong mga bagong mga platform more than 5 million na ngayon ang nag su-subscribe, itong tinatawag na DepEd commons at saka may mga bago tayong programa para sa mga bata so that they can learn well in school with the guidance of their parents,” dagdag pa ng kalihim.

Kanina ay inanunsyo ni Briones ang pagsisimula ng klase sa Agosto 24 at magtatapos sa Abril 30, 2021.

May mga school division na ngayon pa lang ay nagsasagawa na ng mga seminar sa kanilang mga guro bilang paghahanda sa ipatutupad na new normal sa sektor ng edukasyon.

Inanunsyo rin niya ni Briones ang pagsuspendi sa pagdaraos ng Palarong Pambansa at iba pang event gaya ng science fair at campus journalism events upang maiwasan ang pagtitipon ng mga tao.

“Yong ating usual activities na napaka-exciting, nakakatuwa, na lahat, buong bansa nakikisali talaga, national events ay pansamantalang kina-cancel natin,” ani Briones.

Read more...