Mag-abroad ka

Sulat mula kay Meding, ng Barangay Burgos,
Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Nagtapos ako sa kolehiyo noon pang 2011.  Pero, hanggang ngayon ay tambay pa rin ako sa bahay at walang trabaho.  Hindi naman ako tumitigil sa kahahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa mga magulang ko.  Malaki ang nagasta nila sa pagpapaaral sa akin pero hanggang ngayon hindi ako makapagbigay ng pera sa kanila at patuloy pa akong humihingi ng pera sa kanila. Bakit kaya ako hirap makatagpo ng trabaho gayong masipag naman ako at masigasig? Ano ba sa palagay ninyo, kailan ako makapagta-trabaho? Sabi ng nanay ko, kontakin ko raw ang pinsan ko na nasa Malaysia baka raw ako matulungan nito, kaya lang D.H. lang ang trabaho niya roon. Sir Greenfield ano po ba ang nakikita ninyo sa aking kapalaran?  Kailan  ako magkakaroon ng trabaho at  kung magkakaroon ako ng trabaho sa abroad po kaya o dito lang din sa ating bansa? May 15, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Meding, ng Barangay Burgos, Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Hindi ka rito sa ating bansa magkakaroon ng maganda at regular na trabaho kundi sa ibang bansa.” Ito ang nais sabihin ng malinaw, malawak at magandang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalara, sa ayaw at sa gusto mo, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa tulong ng iyong pinsan.
Cartomancy:
Five of Clubs, Queen of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae, dili’t iba kundi ang iyong pinsan na nasa Singapore, tiyak ang magaganap, pagkalipas ng walong buwan, may mabiyaya at mabungang paga-abroad na magaganap.
Itutuloy…..    

Read more...