NIRESBAKAN nang bonggang-bongga ni Ellen Adarna ang isang netizen na nang-okray sa kanyang bikini photo.
Nilait kasi ng basher ang katawan ng dating partner ni John Lloyd Cruz sa ipinost niyang sexy picture sa Instagram lalo na ang kanyang “stretch marks.”
“Opps kita strech mark… Papa-surgery muna ha bago mga pictorial ng frontal. Normal lang ‘yan. May paraan kay Dra. Belo. Back in career ka muna. Balik flawless,” comment ng isang follower ni Ellen.
Ito naman ang tila napikon na reaksiyon ni Ellen, “Your face needs more treatment than my stretch marks (btw, I don’t have stretch marks on my stomach just my thighs (If you can see it through my pants then you’re amazing) everyone would agree on this.”
May binanggit pang local skin clinic ang dating sexy star na pwedeng puntahan ng hater para doon ipagawa ang kanyang mukha.
Makalipas ang ilang taon, naging active muli si Ellen sa pagpo-post ng mga ganap sa kanyang buhay sa Instagram kabilang na nga riyan ang resulta ng kanyang fitness journey.
Kamakailan lang ay ipinost ni Ellen ang mga bikini photos niya para ibandera ang kanyang “mom bod” na kahit nanay na nga siya (sa anak nila ni Lloydie na si Elias) ay pwede pa rin siyang tawaging hot mama.
Bago ang pang-ookray sa katawan ni Ellen, marami rin ang nakapansin sa tila nangingitim niyang tiyan sa kanyang bikini photos. Kaya ang tanong nila kung edited daw ba ang mga litrato.
Tugon ni Ellen, “Nope. I just tan a lot and i dunnu why my stomach and mid part of my body tanned the most.”
Aniya pa, “I think yun ang simula na nasunog ang aking tiyan hanggang ngayon grabe ang itim talaga ng tiyan ko kumpara sa iba. Hahahahaahaha!”