Pasukan Agosto 24 magsisimula–DepEd

DepEd Sec. Briones

SA Agosto 24 magbubukas ang klase para sa school year 2020-2021.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones nagpasya ang DepEd na buksan ang klase sa Agosto batay sa isinagawa nitong konsultasyon sa mga magulang, estudyante at iba pang stakeholders.

“Ang napili nating school opening date ay August 24,” ani Briones.

Hindi naman umano nangangahulugan na kailangan ng pumasok ng mga estudyante sa silid-aralan gaya ng nakagawian sa mga nagdaang school year.

Ang mga guro naman ay magsisimula nang maghanda sa pagbubukas ng pasukan sa Hunyo 1.

Matatapos naman ang susunod na school year sa Abril 30, 2021.

Read more...