NILUNOK umano ng 36-anyos driver ng service vehicle ng GMA-7 ang isa sa dalawang sachet ng shabu na nakita ng pulis nang buksan nito ang kanyang wallet para kunin ang kanyang lisensya sa Quezon City kahapon.
Si Baron Giovani Belison, 36, field production assistant, ng Durian st., Brgy. Pasong Tamo, ay empleyado umano ng kompanya na kinontrata ng GMA-7.
Nakipagtalo umano ang suspek sa driver ng isang asul na Toyota Revo (WNC 351) dahil sa gitgitan sa kalsada malapit sa quarantine control point sa Aurora Blvd., Brgy. Loyola Heights alas-11:30 ng hapon.
Lumapit umano ang mga pulis upang payapain ang dalawa pero nagtangka umanong umalis ni Belison pero naharang ito ng otoridad.
Hiningi ng mga pulis ang lisensya ng driver at nang buksan umano ni Belison ang kanyang wallet ay nahulog ang dalawang sachet. Isinubo umano ng suspek ang isa sa mga sachet.
Napigilan naman ng pulis ang suspek na lunukin ang isa pa na may lamang 0.2 gramo.