Para sa may kaarawan ngayon: Pangarap! Puro ka na lang pangarap, hindi naman natutupad. Isulat mo ang magagandang bagay na nasa isipan at gumawa ka ng libro. Sa ganyang paraan, mas liligya ka at kikita ka ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 8, 29, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Om.” Green at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Likas kang suwerte hindi mo lang napapansin! Subukang makipag-sapalaran mula sa ika-14 ng Agosto hanggang sa ika-24 ng Setyembre, makikita mo may malaking panalong maibubulsa. Sa pag-ibig, isang Libra ang naglalaway sayo. Mapalad ang 1, 18, 23, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.” Beige at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Pag-ibig ang susi upang limigaya. Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang iyong produkto at serbisyo. Sa pakikipag-relasyon, palasapin ang kasuyo ng natamis na halik. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babatiin ko ang araw na itong puno ng pag-ibig ang aking puso!” Blue at brown ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Habang malamig ang panahon hagkan at bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa salapi mga salaping hindi inaasahan ang biglang mahuhulog sa langit. Mapalad ang 5, 8, 9, 44, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Traya-Om.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22— ‘Wag maging pala-asa. Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang aasahan. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang iyong kita. Mapalad ang 8, 16, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Om-Sahana-Vavatu-Om.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Magsuot ng dilaw, upang lalong magnining ang aura ng iyong personalidad. Ang magandang aura ang hihigop ng suwerte. Sa pagsusuot ng dilaw, mama-magnet mo ang magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 8, 11, 28, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Om.” Bukod sa yellow ang orange ay buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Paghandaan ang panahon ng pag-baha. Kung magpapagawa ng bahay, dapat nakaharap sa silangan ang pintuan at may mataas na flooring. Sa ganyang paraan, kusang papasok ang suwerte at hindi ka babahalin. Mapalad ang 5, 18, 23, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Harin-Om.” Violet at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Disiplina sa sarili ang kailangan upang lumigaya. Bawasan at laging mag-exercise upang sumeksi kang muli at mabawasan ang iyong bilbil. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay, kahit maliit ang kinita, pilitin paring mag-saving. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mani-Padme-Om”. Pink at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansiyal, hindi dapat magsawalang bahala sa mga problemang pang-pinansyal na dumarating sa inyong pamilya – gumawa ka na ng aksyon ngayon bago tuluyang lumala ang sitwasyon. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Maroon at gold ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— ‘Wag kainipan ang suwerte, sa buwang ito ng Agosto magagandang kapalaran ang magaganap. May oportyunidad ng paglalakbay na mabubuksan. Sa pag-ibig biglang darating ang isang wagas at tapat na pag-ibig. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahatha-Om.” Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Habang bumubuhos ang ulan magtanim ng halaman. Ibat-ibang kulay ng bulaklak ang dapat puwede din ang saluyot at iba pang mga gulay. Sa pag-ibig, malamig ngayon, masarap matulog kayakap ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Om.” Pink at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Tuloy ang matabang na relasyon, muli itong iinit kung yayayain mo siya sa isang pribadong silid. Sa pinansiyal, sa labas ng bahay mas marami pagkakataon upang kumita ng dagdag na salapi. Mapalad ang 2, 13, 29, 33, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Shiri-Mantra-Yantra-Om.” Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa araw na ito tularan mo ang matsing – mautak! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang iyong kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang gamitin, gumamit ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Jaya-Om.” Blue at silver ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.