Arnold Clavio hinamon ni Francis Marcos: Suntukan na lang tayo!  | Bandera

Arnold Clavio hinamon ni Francis Marcos: Suntukan na lang tayo! 

Alex Brosas - May 04, 2020 - 03:43 PM

ARNOLD CLAVIO

GALIT na galit ang philanthropist na si Francis Leo Marcos sa broadcaster na si Arnold Clavio.

His galit started sa recent interview ni Arnold sa isang taga-NBI where he asked the guy kung mapaiimbestigahan ang taong may ginawang scam. Parang kinuwestiyon din niya ang Mayaman Challenge na pinauso ni Francis Leo.

In a video, galit na galit si Francis Leo to the point na hinamon niya ng suntukan ang veteran broadcaster.

“Nananahimik akong tumutulong sa kapwa at sa ating mga kababayan, binanatan mo ko sa GMA, pinakamalaking network para sirain ang pagkatao, gagamitin mo pa ang sangay ng kapulisan, gagamitin mo pa ang sangay ng gobyerno.

“Kahit suntukan hindi ka mananalo sakin eh, pipitikin ko yang malaki mong mata, nakakapanlumo lang kasi mainstream media ka, malaking network yan tatawag ka ng NBI, tatawag ka ng pulis, para ako’y mapasama, hindi ganon kahina ang utak ng pulis, hindi ganon kahina ang utak ng NBI, matatalino yan.

“Suntukan nalang tayong dalawa, itatali ko pa ‘yung isang kamay ko, kaliwang kamay pa ang gagamitin ko sayo, kaysa sa banat ka ng banat, hindi maganda yang ginagawa mo.”

‘Yan ang aria ni Francis Leo as reported by a website. As we write this ay wala pang reaction si Arnold sa hamon sa kanya ni Francis Leo.

Actually, ang supporters ni Francis Leo ang nam-bash nang todo-todo kay Arnold sa social media.  Ang harsh ng mga comments nila sa veteran broadcaster.

“Wag palampasin ang hambog na walang ambag sa lipunan kundi ang manira ng tao.”

“Eto mukang stressed na si Arnold  sa Unang Hirit. hehehe. iniisip nya yung mga incoming na banat ni idol FLM. Akala nya sya lang may karapatan sa lahat. tinatawanan na sya. Kung ako sya mag leave muna ako sa tarabaho.”

“Atras na yagbols nya idol qdahil taong bayan na kalaban nya.” 

“Bugoy ka na ngayon Arnold Clavio. Wala na maniniwala sayo. Pinagtatawanan ka na ngaun mga katulad mo na anchor.”

“Abangan na lang natin ang pag public apology nya sa TV ni Arn Arn  kalurky. Baka nagresearch na about sa yo sir  Francis kaya nanahimik na…pahiya is real.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala pang reaction si Arnold sa hamon ni Francis Leo at sa mga patutsada ng followers nito.  Welcome ang anumang reaction ni Arnold sa pahinang ito at ilalabas namin agad sa pahinang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending