Pinakamainit na temperatura kahapon naitala sa Tuguegarao

NAITALA sa Tuguegarao City ang pinakamataas na temperatura sa bansa kahapon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naramdaman ang 39.0 degrees Celsius na temperatura sa Cagayan.

Naitala naman sa Echague, Isabela ang 38.2 degrees Celsius sumunod ang 37.7 degrees Celsius sa Camiling, Tarlac.

Sa Science City of Muñoz ay naitala naman ang 37.0 degrees Celsius.

Sa Bayombong, Nueva Vizcaya ay naitala naman ang 36.5 degrees Celsius.

“Nasa Northern at Central Luzon ang Top 5 PAGASA stations na nakapagtala ng pinakamatataas na temperatura kahapon, 3 Mayo (Linggo),” saad ng PAGASA.

PAALALA: Dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress. Ingat po!

Read more...