Instagram photo ni Andi fake raw; 2 kapatid umalma

Andi

“FAKE!” “Edited!”

Yan ang comment ng ilang netizens sa isang litratong ipinost ni Andi Eigenmann sa Instagram.

Ayon sa ilang nakakita ng photo, mukha itong photoshopped dahil masyado raw lumiit ang kanyang bewang at hindi proportion sa laki ng braso niya. Halata rin daw ang edited part sa kanyang likod.

May mga nagsabi naman na talagang nagbago ang kurba ng katawan ni Andi mula nang ipinangak ang bunso niyang si Lilo base na rin sa mga litrato nilang mag-ina na kuha sa Siargao kung saan sila nakatira ngayon.

Ayon sa Instagram user na may handle na @sunzess, “It looks so fake to some degree sry Andie. Notice the wood near her butt and too slim waistline which makes her arm bigger.”

Hindi naman pinalampas ng mga kapatid ni Andi na sina Max Eigenmann at Stevie Eigenmann ang pagtawag ng peke sa litrato ng aktres. 

Depensa ni Max sa kapatid, “I didn’t realize strong arms matched with a toned waist & a firm butt was considered fake na pala. Good job, baby.. you look amazing!”

Sabi naman ni Stevie, walang alam sa pag-eedit ng photo si Andi,  “@sunzess sry too. She aint techy enough to understand what ur saying but das ok ty for ur time – her personal editor.”

Ito naman ang reply ni Andi sa mga netizen, “Ha-hahahaha! You know it. Want to say that I just used my iPhone for this but I got too excited so thank you na lang.”

Read more...