IPINABABAWI ng isang solon ang pagpapataw ng mas mataas na premium ng Philippine Health Insurance Corp., sa mga overseas Filipino workers.
Ayon kay House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman habang ang nagbibigay ng moratorium ang maraming ahensya ng gobyerno sa pagbabayad bilang tulong matapos maapektuhan ng coronavirus disease 2019 ang kanilang pamumuhay, ang PhilHealth naman ay nagpatupad ng pagtataas ng singil sa tinaguriang bagong bayani ng bansa.
Itinaas ng PhilHealth sa tatlong porsyento ang premium ng mga OFW na sumasahod ng P10,000 hanggang P20,000 mula sa 2.75 porsyento noong 2019.
“Dapat nga moratorium sa pagbabayad ang ginagawa ng gobyerno dahil sa krisis na dulot ng COVID-19 sa lahat ng tao saan mang bahagi ng mundo. Dapat ay tinutulungan natin ang mga OFWs at hindi pinapahirapan,” ani Hataman.
Umaasa naman si Hataman na magsasalita si Duterte laban sa ginawa ng PhilHealth na nakasaad sa Universal Health Care Law.
“At nanawagan ako sa ating Pangulo na pigilin ang implementasyon ng pagtaas singil ng PhilHealth sa mga OFWs. At a time when even verbal orders from him are heeded, a mere pronouncement from him can temporarily stop the collection of fees. I think we are all in agreement that now is not the right time to impose that particular provision of the UHC Law. Ceasefire muna sa bagong singil.”
Sinabi ni Hataman na maraming OFW rin ang Problemado dahil hindi nakakapasok sa trabaho kaya walang suweldo at dagdag sa kanilang isipin ay ang mga pamilya na naiwan sa bansa.
“The COVID-19 pandemic endangers not just the health of our OFWS, but their jobs as well. Many are taking pay cuts or, worse, have lost their jobs. The threat of being sent back home where jobs are nonexistent is high.”
Kailangan din umano ng tulong ang mga OFW kaya hindi tama na patawan pa sila ng dagdag na bayarin.
Reklamo ng mga OFW habang nasa ibang bansa ay hindi nila magagamit ang PhilHealth.