Ex-sen. Jinggoy Estrada inaresto sa paglabag sa quarantine protocol

INARESTO si dating Sen. Jinggoy Estrada ng pulisya sa San Juan dahil sa paglabag umano sa quarantine protocol habang namimigay ng pagkain kanina.

Isang video ang ipinost ng anak ni Estrada na si Janella kung saan makikita ang dating senador na nasa istasyon ng pulis. Dumating din doon si dating Pangulong Joseph Estrada.

(https://www.facebook.com/jel.ejercitoestrada/videos/1616953075123404)

Ayon kay San Juan Police chief Police Colonel Jaime Santos lumabag si Estrada sa social distancing protocol at mayroon umanong mga litrato upang patunayan ito.

Habang namimigay si Estrada ng kahon-kahong bangus ay dumating si Santos kasama ang ilang pulis at inimbitahan ang dating senador sa himpilan ng pulisya.

Ang mag-amang Estrada ay kapwa naging alkalde ng San Juan na ngayon ay pinamumunuan ng kanilang dating kakampi na si Mayor Francis Zamora.

Read more...