PROUD na ipinakita ni Solenn Heussaff sa mga netizens ang “battle scar” sa kanyang tiyan mula sa panganganak.
Ito’y para ma-inspire at ma-encourage ang mga inang dumadaah sa post-pregnancy o post-partum stage.
Ipinost ng Kapuso star sa Instagram Story ang litrato kung saan makikita ang caesarean section (CS) cut sa kanyang tiyan matapos ipanganak si Baby Thylane.
Ayon kay Solenn, kitang-kita pa rin ang kanyang pregnancy line at bikini cut pero hindi ito naging hadlang para maging active uli ang lifestyle kahit may lockdown.
Pero aniya, bago sumabak sa kahit anong physical activity, “Always ask your OB before you start exercising.”
Ipinanganak ni Solenn si Baby Thylane Katana noong Jan. 1, 2020.
Samantala, for the first time, nag-post naman ang asawa ni Solenn na si Nico Bolzico ng kanilang family photo.
Ani Nico, habang lumalaki ay nagiging kamukha ni Thylane si Solenn.
“Thylane, aka #Porota, aka #Chimichurri. I am still waiting for the DNA results to make sure she is mine… #MiniSolenn.
“Upcoming Daugther Father videos: Training on how to avoid potential suitors not approved by #ElPadre; training on how to avoid potential suitors; training how to avoid any suitor; training how to avoid contact with any male,” caption ni Daddy Nico sa kanilang family picture.