‘That’s Quarantainment’ ng 80s loveteam pampa-good vibes kontra COVID 

     

That’s Entertainment

               

     KAKAIBANG good vibes ang hatid ng ginawang “music video”  ni Janno Gibbs sa kanyang Instagram account. 

    Ang video ay pinamagatang “That’s Quarantainment” na hango sa title ng youth-oriented show na “That’s Entertainment” (hosted by the late German Moreno) at sa kasalukuyang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bansa. 

    Tampok ang awiting “Nothing’s Gonna Stop Us” ng grupong Starships noong 1986, muling nagkasama-sama ang ilan sa mga pinakasikat na loveteams sa “That’s Entertainment” noon.

    Kabilang sa video ang ex ni Janno na si Manilyn Reynes, Keempee de Leon, Tina Paner, Ramon Christopher, Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz.

   Bago ilabas ni Janno ang music video, panay na ang announce niya sa kanyang IG account na abangan ang official release nito online. The other night ay nilabas na ni Janno ang “official” version ng ginawa niyang video.

   Eto ang caption ni Janno sa video,  “This quarantine has given us all a chance to re-connect w/ old friends. So I invited some of mine for this and they all came through! Here’s to all of us who get by with a little help from our friends. @manilynreynes27 @officialsherylcruz @tinapaner71 @sarmentaromnick @monchinggutz @kimpster888.”

    Habang sinusulat namin to, more than 69,000 na ang nag-view sa video at may  3,109 comments na in less than 24 hours.

   Isa sa nabasa namin na nag-post ng comment ang dating child star at dating member din ng “That’s Entertainment” na si Chuckie Dreyfuss.

     Sabi ni  Chuckie, “Nice one bro. Those were the days! Sayang wala na la-love team ko.” Ang tinutukoy ni Chuckie ay ang aktres na si Isabel Granada.

      Nag-reply naman si Janno sa comment ni Chuckie, “Next time  lahat tayo bro!”

    Nainterbyu naman ang tatlong female “That’s” stars also known as The Triplets na sina Sheryl, Tina and Manilyn sa 24 Oras para kunan ng reaksyon sa kanilang “That’s Quarantainment” reunion.

    “Siyempre, hindi mo matatanggihan lalo na kaibigan mo ang lumapit sa yo at sabihin na, ‘Let’s do this,'” lahad ni Sheryl.

   Say naman ni Manilyn, “Nakakatuwang isipin na yung mga nanonod at nanonood, at mga paulit-ulit na manonood ngayon ay natutuwa.”

    Sabi Tina, hindi raw talaga siya nagkaroon ng second thoughts sa pag-yes when asked by Janno na gawin ang music video.

    “May mga nag-PM nga sa akin, ‘Ms. Tina, nakakatuwa. Hindi kami makatulog.  Excited na excited kami. Sabi ko, ‘Bakit kaya sila excited?’ Ang sabi, ‘Matagal na naming inaasam na makita ang SherNick, sina Romnick at Sheryl. Nakakatuwa,” pahayag pa ni Tina.

  True naman si Tina tungkol diyan. May mga fans pa rin sina Sheryl at Romnick na gusto silang magsama ulit.

    Say ng netizen, “Idol SherNick Kayu na lang ulit.”

   Pero teka, hindi lang sina Sheryl at Romnick ang hindi pa nagpapakasal ulit after ng kanilang first marriage. Matagal nang hiwalay si Sheryl sa mister niyang US poiliceman na si  Norman Bustos habang ongoing na ang annulment case nina Romnick at Harlene Bautista.

    Bukod kina Sheryl at Romnick, “single” na ulit ang mag-ex na sina Tina at Ramon Christopher.   Magkaroon kaya ng second chance sa mga dating magkakarelasyon?

             

                             

Read more...