18 hinuli sa pagra-rally kinasuhan

SINAMPAHAN ng reklamo ng Quezon City Police District ang 18 inaresto dahil sa pagsasagawa umano ng kilos protesta kahapon.

Ayon kay QCPD Director PBGEN Ronnie Montejo walang permit ang mga nagsagawa sa protesta at lumabag umano ang mga ito sa panuntunan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“They have to face the consequences of their actions,” ani Montejo.

Nagsagawa umano ng kilos protesta ang mga hinuli sa Kalayaan Ave. kanto ng Maparaan street.

“We reiterate to the public that the ECQ is extended until May 15 and that we ask for everybody’s cooperation by staying home to prevent the spread of the deadly virus,” dagdag pa ni Montejo.

Read more...