NAGPOSIITIBO sa pinakabagong coronavirus disease 2019 test si Sen. Sonny Angara.
“Have tested positive again after 2 negative test results in early April. Doctors unsure but suspect it’s remnant of earlier virus. Said most likely am no longer infectious (as has been observed in Korea) but just to be safe am going on quarantine again, 3rd round take care everyone,” ani Angara sa kanyang post sa social media.
Halos isang buwan na mula ng ideklara na magaling na si Angara.
“But while preparing to donate my blood plasma for a second time, my doctor, after the results of the initial antibody test taken before donating, had me take another swab test, which registered positive,’ ani Angara sa hiwalay na pahayag.
Nag-negatibo naman umano ang kanyang misis na si Tootsy na maaari umanong indikasyon na hindi na nakakahawa ang senador.
“Nothing is 100% sure at this point so it is best to be prudent and cautious and thus it is best that I not attend Senate sessions in person for the risk of posed to other. And we follow the usual quarantine procedures for myself and members of my household as a precaution.”
Gagawin umano ni Angara ang kanyang trabaho bilang mambabatas sa pamamagitan ng teleconferencing. “Rest assured that I will continue working from home like many of our countrymen and performing my duties as senator to the best of my ability.”
Sinabi ni Angara na mahirap na mabukod sa pamilya kaya naman laking tuwa nito ng siya ay gumaling na at muling nahalikan at nayakap ang kanyang mga mahal sa buhay.
Nagpasalamat si Angara sa mga frontliners lalo na sa mga healthcare workers at nanawagan sa publiko na sumunod sa panuntunan ng quarantine.