PINALAYA na ang 10 inaresto sa Marikina City dahil sa pamimigay ng relief goods.
Ayon sa Gabriela Women’s Party ang pinalaya ang 10 matapos na hindi makakita ng sapat na ebidensya ang piskalya kaugnay ng reklamong paglabag sa illegal assembly at quarantine protocol.
“Their release signifies our resolve to thwart the criminalization of community-initiated bayanihan and the strength of our collective calls to resist the tyrannical and militaristic implementation of the community quarantine. We are not letting the PNP get away with their ridiculuous charges against advocates of health and women’s rights amid the pandemic,” saad ng pahayag ng Gabriela.
Sinabi ng partylist group na ang nangyaring ito ay magiging senyales sa iba pa nilang chapter upang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng relief operations at feeding program para tulungan ang mga nangangailangan.
“Likewise, we will intensify the call for the immediate release of other activists and relief workers, including Gabriela Women’s Party third nominee Lucy Francisco, who have been wrongfully charged and detained on Labor Day for merely helping our poor and hungry kababayans.”
Inaresto ang 10 militante habang namimigay umano ng relief goods at may mga plakard na nananawagan ng mass testing sa coronavirus disease 2019 kahapon.
“The true spirit of bayanihan and people’s collectivism will prevail over the militaristic “bayanihan” that the Duterte administration wants to uphold amid the community quarantine.”
Sinabi ni Marikina City Rep. Marcy Teodoro na nag-overreact ang pulisya sa pag-aresto sa mga ito at nanawagan ng agarang pagpapalaya sa kanila.