TATLONG menor de edad ang nasakote ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Quezon City.
Nagsagawa ng operasyon ang pulisya laban sa isang alyas Kim sa Ilalim ng Tulay, Brgy. Unang Sigaw alas-4 ng hapon noong Huwebes.
Inaresto si Kim at dalawang iba pa. Sila ay pare-parehong 14-anyos, matapos makabili ang poseur buyer ng shabu.
Nasamsam sa kanila ang 14 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.
Ang tatlo at dinala sa QC Social Services Development Division.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending