IMINUNGKAHI ng House Committee on Higher and Technical Education ang paglalaan ng P1 bilyong stimulus fund sa sektor ng edukasyon upang matulungan ang mga paaralan.
Sa virtual hearing ng komite, iminungkahi ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing na isama sa panukalang Philippine Economic Stimulus Act ng Kamara de Representantes ang ihahandang pondo para matulungan ang mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019.
“Lets appeal to the authors of the bill if we could include in the stimulus package how we can assist students in the private schools whose parents lost their jobs, so that their tuition will already be free. Maybe P1billion is enough considering the volume of students applying for that,” ani Suansing.
Bukod sa pagtulong sa eskuwelahan, kailangan din umanong paigtingin ang pagpapautang at subsidy na ibinibigay sa mga estudyante at miyembro ng faculty.
Maraming guro ang walang kinikita sa maagang pagsasara ng klase nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.
“In the SUCs, marami dito na part-time teachers or lecturers who are working na hindi naman sila regular faculty. Do you have any plans for them? Meron ba tayong tulong sa kanila or are we just having them just stay there kasi wala naman silang suweldo, for the time being kasi syempre no classes no salary,” ani
Deputy Speaker Evelina Escudero.
Hiniling naman ni Kabataan Rep. Sarah Elago sa Commission on Higher Education na huwag pahintulutan ang aplikasyon para sa pagtataas ng matrikula ng mga eskuwelahan.