TULAD nina Sen. Tito Sotto, Michael V at iba pang local celebrities, mas gusto ni Kathryn Bernardo na tumulong nang hindi na ibinabandera sa social media.
Isa ang Kapamilya actress sa mga personalidad na marami nang natulungan mula pa noong magsimula ang lockdown sa bansa dahil sa pagkalat ng killer virus sa buong mundo.
Pero sa request na rin ng girlfriend ni Daniel Padilla, hindi na nalalaman ng mga taong nakatanggap ng ayuda na galing ito kay Kathryn.
Ayon sa Box-office Queen, ang namahala sa kanyang relief mission ay ang kanyang nanay na si Min Bernardo at mommy ni Daniel na si Karla Estrada.
Ito’y bahagi rin ng birthday celebration ng dalaga last March 26.
Sa panayam ng Magandang Buhay sa dalaga, in-explain ng dalaga kung bakit mas nais niyang tumulong nang walang ingay o press release.
“Hindi lang siguro ako comfortable na…minsan kasi iba ‘yung dating kapag artista eh, tapos tumulong para lang iwas lang (issue), alam mo ‘yun? Basta makatulong. ‘Yun lang naman ‘yung point,” pahayag ni Kath.
Pagpapatuloy pa ni Kathryn, “Part ng birthday ko ‘yun tapos kami ni tita Karla, mga maliliit na tulong lang naman na kaya nating ibigay. Hindi naman siguro kailangan malaman ng lahat.
“Importante na nakarating ‘yung tulong na ‘yun. Kami nila mama at tita Karla ang nag-ayos po nu’n, hindi lang ako,” chika pa ng tinaguriang Queen of Hearts.
Kamakailan, nagpahayag din sina Bitoy at Tito Sen ng pagsuporta sa pagtulong nang hindi na ibinabalandra pa sa social media.
“NOW is the PERFECT time to HELP out ANONYMOUSLY. Feed the people. Not the ego,” post ni Bitoy sa Instagram.
Ito naman ang version ni Tito Sen sa isang quote mula sa American basketball player na si John Wooden, “If you want to feed the Hungry, then feed the Hungry. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!”