UMAKYAT umano sa P28 ang presyo ng surgical mask dahil sa mahal ng raw materials sa paggawa nito.
Ayon kay Trade and Industry Sec. Ramon Lopez patuloy naman ang paggawa ng mga surgical mask upang mapunan ang kakulangan sa suplay.
“Ang problema ho nasa cost of raw material. So it’s a global shortage… so ang raw material nagtataasan… The new SRP ng face mask ay nasa P28 per piece,” ani Lopez sa virtual hearing ng Defeat COVID-19 Committee Technical Working Group ng Kamara de Representantes kanina.
Bago sumabog ang bulkang Taal noong Pebrero ang presyo ng surgical mask ay P8. Umakyat ang presyo nito dahil sa dami ng bumili nangkumalat ang coronavirus disease 2019.
“So with the strong demand coming from everywhere, nagkakaubusan, kaya nagkakaroon tayo ng efforts to manufacture locally… We continue to push through with the local manufacturing capabilities dito sa atin,” ani Lopez.
Ilang kompanya sa bansa ang nag-repurpose upang gumawa ng facemask at personal protecttive equipment.