10M pamilya natulungan sa SAF, 8M pamilya naghihintay pa rin

SAP

MAHIGIT sa 10 milyong pamilya na umano ang nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development.

Sa pagdinig ng Defeat COVID-19 Committee ng Kamara de Representantes, sinabi ng DSWD na 10,135,634 pamilya na umano ang nabigyan ng emergency subsidy.

Aabot sa 18 milyong pamilya ang target na mabigyan ng tulong sa ilalim ng SAP.

Ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng P5,000-P8,000 sa buwan ng Abril at Mayo.

Ayon sa DSWD, kailangan munang mag-liquidate ng mga lokal na pamahalaan bago makuha ng mga ito ang ikalawang bahagi ng tulong para sa buwan ng Mayo.

Nanawagan si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, co chair ng komite, na dapat ay gawing simple ang proseso ng pagmimigay ng tulong.

“Getting the emergency cash subsidy to the families who need it is just the first item on the social amelioration agenda, that’s why we have to get it right,” ani Gomez.

Mas marami rin umano ang kailangang tulungan kaya inirekomenda niya na hati-hatiin na lamang ng patay ang P100 bilyong pondo para ngayong buwan sa 20milyong pamilya.

Read more...