Mga estudyante nanganganib sa bawas budget sa Free College law

 

MAPUPURNADA umano ang pagpapatupad ng free college law (RA 10931) sa plano ng Department of Budget and Management na huwag ilabas ang 35 porsyento ng mga programmed funds sa ilalim ng 2020 national budget.

Ayon kay Commission Higher Education (CHEd) Chairman Prospero De Vera hindi mababayaran ng CHED ang matrikula ng lahat ng mga estudyante sa State Universities and Colleges (SUCs) kung matutuloy ang hindi pagpapalabas ng lahat ng kanilang pondo.

“If you do not release [the] 35 percent, we are afraid to inform Congress that we will not be able to do a lot of things for Republic Act 10931,” ani de Vera sa online hearing ng House Committee on Higher and Technical Education kanina.

Hiniling na umano ng CHED sa DBM na irekonsidera ang desisyon nito.

Sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act na mas kilala bilang free college education law babayaran ng gobyerno ang matrikula ng lahat ng estudyante sa mga SUCs at Local Universities and Colleges.

Kapag nabawasan ang pondo na maibibigay sa mga SUCs at LUCs ay maaapektuhan umano ang operasyon ng mga ito.

“If you reduce the reimbursement of tuition and miscellaneous, the operations of SUCs will be gravely affected,” dagdag pa ni de Vera.

Aabot sa P7.1 bilyon ang pondo ng free college education ngayong taon.

Nilimitahan ng DBM ang pagpapalabas ng budget ng mga ahensya upang may magamit ang gobyerno sa paglaban nito sa coronavirus disease 2019.

Sinabi Northern Samar Rep. Paul Daza na “counter-productive” ang pagtapyas sa budget dahil maaaring magresulta ito sa pagkawala ng mga estudyante sa eskuwelahan.

Read more...