Baby gumaling sa Covid-19

GUMALING sa Covid-19 ang pinakabatang pasyente na tinamaan ng nasabing sakit sa Pilipinas, inanunsyo ngayong araw ng Department of Health.

Ang sanggol ay 16-araw lamang at na-confine ng 11 araw sa National Children’s Hospital.

“Meet BABY SURVIVOR, a 16-day old baby who conquered COVID-19! Our frontliners at the National Children’s Hospital tirelessly took care of the neonate for 11 days and successfully nursed him back to health!,” ayon sa DOH.

Pinasalamatan naman ng kagawaran ang healthcare team ng ospital sa pag-aaruga sa sanggol.

Ang sanggol ay nai-turn over na sa kanyang pamilya.

Read more...