Deputy commissioner tuloy ang pagpapayaman sa pwesto–solon

INIIPON na ng isang lady solon ang mga ebidensya laban sa isang opisyal ng gobyerno na sinamantala umano ang krisis na hatid ng coronavirus disease 2019 upang magpayaman.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang opisyal na tinutukoy niya ay isang Deputy Commissioner na tumatanggap umano ng lagay kapalit ng paborableng aksyon gamit ang kanyang posisyon.

“Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa ay may nakakagawa pa ng ganitong krimen? Wala ba siyang konsensya?” tanong ni Taduran.

“I am not inclined to reveal his identity at the moment but let this serve as a stern warning to him that his actions will not be tolerated and I will see to it that his corrupt practices will be dealt with seriously,” dagdag pa ng lady solon.

Kapag nakompleto na ang mga ebidensya ay maghahain umano si Taduran ng resolusyon upang makapag-imbestiga ang Kamara de Representantes.

“Let me remind our government officials to always observe the highest level of honesty and decency in the performance of their duty. No form of corruption is too small,” saad pa ni Taduran.

Read more...