HINANGAAN ng netizens ang pagiging down-to-earth at ang kaalaman ni Carla Abellana sa mga gawaing-bahay.
Sa ipinost niyang Quarantine Life vlog sa kanyang YouTube channel, natuwa ang viewers ng mahusay na aktres sa simpleng routine nito sa bahay habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Metro Manila.
Ayon kay Carla, nasa kani-kanilang probinsya raw ang kasambahay at personal assistant niya kaya mag-isa siyang kumikilos sa mga gawaing-bahay.
Kung hindi nga raw dahil sa boyfriend niyang si Tom Rodriguez na kasama niya ngayon sa bahay ay baka nabaliw na siya.
Lalo rin daw niyang na-appreciate ang halaga ng kaalaman sa mga gawaing-bahay, “Sa mga misis, stay-at-home moms, kasambahay, assistants, hardinero, at driver, saludo po ako sa inyong lahat. Hindi ko po kakayanin ang mga trabaho ninyo.”
Bukod sa pagpapakain at pagpapaligo ng kanilang mga aso, busy din ang Kapamilya actress sa pagluluto, paglalaba at pagtitiklop ng mga sinampay habang naka-quarantine.
“Grabe you’re really adorable and down to earth. I thought hindi po kayo marunong ng gawaing-bahay because of your profession but I was wrong.
“Also you look so jolly and simple, you are more than gorgeous po inside and out,” mensahe ng isang netizen kay Carla.
Mapapanood si Carla sa Love of my Life na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover sa timeslot nito sa GMA Telebabad.
Samantala, nakiusap naman ang Kapuso actress sa kanyang Instagram followers na ipagdasal ang alaga niyang aso na si Patches na sumailalim sa surgery.
“Hi, everyone! It would mean a lot to us if you could say a quick prayer for Patches today. She’s undergoing surgery and won’t be home for a couple of days.
“She’s a strong girl, but we could surely use some prayers right now, especially for her recovery. Thank you,” aniya.
Noong 2018, nagluksa si Carla sa pagkamatay ng kanyang alagang si Sunny.