NAARESTO ng Quezon City Police ang tatlo katao at nasamsam ang P6.8 milyong halaga ng shabu sa Taguig City kahapon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Normina Batabol, 45, Manny Haron, 54, at Adzmin Magalang, 25, mga residente ng Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.
Nakabili umano ng P70,000 halaga ng shabu ang isang poseur buyer sa mga suspek alas-4:30 ng hapon sa Brgy. Upper Bicutan, Taguig City.
Nang maaresto ay narekober umano sa kanila ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, timbangan at ang cellphone na gamit nito sa pakikipagtransaksyon.
MOST READ
LATEST STORIES