NIYANIG ng magnitude 4.1 lindol ang Southern Leyte kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang lindol alas-12:08 ng tanghali. Ang epicenter nito ay 11 kilometro sa silangan ng Silago. May lalim itong tatlong kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Silago, Southern Leyte.
Intensity III naman sa San Juan, Anahawan, Hinunangan at Hinundayan, Southern Leyte.
Intensity II naman sa Palo, Leyte.
At Intensity I sa Surigao City.
MOST READ
LATEST STORIES