Alamin: Iba’t ibang paraan para malaman ang bill mo sa Maynilad

DAHIL sa enhanced community quarantine, hindi muna nakakapagdeliver ng mga bill sa mga kabahayan ang ilang mga utilities katulad ng kuryente at tubig.

Para hindi ka naman mabigla at mabudget mo rin nang maaayos ang iyong pera, nagbigay ng iba’t ibang paraan ang Maynilad para ikaw ay mapadalhan ng bill via online o via text.

Sa My Water Bill Program dalawang paraan ang ibinibigay ng Maynilad para masilip mo ang iyong water bill.

Una ang My Water Bill Portal kung saan ang customer ay aabisuhang mag-register sa https://mywaterbill.mayniladwater.com.ph/personaWeb/maynilad_b2c/ kung saan maaaring makakuha ng Statement of Account (SOA) ang customer ng monthly notification sa text o sa email. Gamit ang My Water Bill Portal makikita mo rin ang bill mo hanggang sa 12 buwang nakakaraan. Dito rin nakalagay ang option kung saan pwede mong ma-print ang iyong SOA at ma-check ang mga online payment options.

Hindi rin mahihirapan ang mga customers na wala o mahirap ang access sa internet dahil sa ilalim ng kanilang SMS Subscription makakatanggap ka na ng notification sa iyong bill sa pagmamagitan ng pagtext ng Maynilad<space>ON<space>CAN<space>Account Name sa 09191626000.

Sa Bill on Demand SMS Bill Facility, ang mga hindi pa rehistrado sa My Water Bill Program ay maaaring i-check ang kanilang current bill sa pamamagitan ng pagtetext ng  Maynilad<space>BILL<space>CONTRACT ACCOUNT NUMBER sa 0919-1626-000

Dahil sa implementation ng ECQ, hindi na muna nagsasagawa ang Maynilad ng on-site meter reading, bagkus nakabase ang kanilang billing sa average ng inyong consumption sa loob ng nakaraang tatlong buwan.

Read more...